Monday, September 30, 2013

BUWAN NG WIKA: A Narrative Report (2012)



ANG MABABANG PAARALAN NG KAWILI-WILI (KES) ay muli na namang ipinagdiwang ang isa sa mga pinakahihintay na okasyon ng mga mag-aaral upang ipamalas ang kanilang kakayahan o talento sa mga ibat-ibang uri ng pagpapahayag sa pamamagitan ng sariling wika na alinsunod ito sa paksang diwa:
“Tatag ng Wikang Filipino,
Lakas ng Pagka-Pilipino”

Ang nasabing tema ng buwan ng wika ay nagsilbing ugat ng programa upang gisingin ang kamalayan ng mga musmos na kaisipan ang kahalagahan ng ating Inang Wika sa kanilang araw-araw ng pagsasalamuha sa lipunan. Ito rin ay naging pamantayan ng talakayan para sa mabisang pagturo na may kinalaman hinggil sa mga rehiyonal na dayalekto at sa ang paggamit ng mga akmang genre 

Nagsimula ang programa sa unang linggo ng Agosto, 2012 sa silid-aralan ng mga mag-aaral na nasa ika-lima at ika-anim na baitang. Nagkaroon ng munting talakayan at orientasyon patungkol sa tema at sa planong mangyayari sa loob ng isang buwan na pinangunahan ni G. Romar A. Pabustan, [School Filipino Leader]. Ipinakita sa usapan na ang mga nabanggit na dalawang baitang ay magkakaroon ng pagtuturo, hindi sa kanilang kaklase kundi ang buong mag-aaral ng KES. Narito ang mga gabay sa kanilang pagtuturo:





Grade 5
·      Pagtulong sa mga non-readers na makabasa ng kapampangan (primary Steps for reading)
Grade 1
Ratio- 1:1
August 14 and 16
(Filipino Time)
Grade 5
·         Dula-dulaan, kantahan at laro
Grade 2
August 15 and 17
(Filipino Time)
Grade 6
·         Pagtulong sa iilang mababagal magbasa o slow readers
Grades 3
August 14 and 16
(Filipino Time)
Grade 6
·         Dula-dulaan,tula, kantahan at laro
Grade 4
August 15 and 17
(Filipino Time)



Ang unang plano sa programa ay magsisimula sana agad sa mga bandang unang araw ng buwan ngunit nagkaroon ng mga sunud-sunod na sama ng panahon.Ito ang ika-anim hanggang ika-sampung araw ng Agosto.  Nagsimula na lamang ang programa nung sumunod na linggo pero sa kabila ng unos ay naging matagumpay pa rin ang nasabing buwan ng wika sa pag-ayon ng paksang-diwa.

Pinag-usapan ng mga guro sa KES na gawing dalawang beses ang programa sa dalawang magkasunod na araw. Ito ang mga araw ng ika-30 at ika-31. Ang unang araw ng pinaka-espesyal na programa ay nangyari sa bawat silid-aralan. Sa araw na ito ang mga guro ang nanguna sa kanilang munting programa. Nagkaroon ng Sayawan, Kantahan, laro at pagbasa sa grade 1 at grade 2. Samantala, nagkaroon ng simpleng sabayang pagbigkas, maikling dula-dulaan, pagtula at paggawa ng poster sa silid-araln ng grade 3 at grade 4. Pag-uulat, pagsayaw, at pagtula naman ang ginawa sa silid-aralan ng mga mag-aaral ng ika- lima at ika-anim na baitang.

Buwan ng Wika (classroom)
Paksang-diwa: “Tatag ng Wikang Filipino,
                                                                                      Lakas ng Pagka-Pilipino”
Ika-30 ng Agosto, 2012, Huwebes
BAITANG
ORAS
PROGRAMA
GURO
            Grade 1
8:00- 11-30 ng umaga
Dasal
Flag Ceremony
Sayaw
Kantahan
Laro
pagbasa

Gng. Kristine L. Capitulo
            Grade 2
Grade 3
Dasal
Flagceremony
Sabayang pagbikas
Dula-dulaan
Pagtula
Paggawa ng poster

G. Romar A. Pabustan
Grade 4
Grade 5
Dasal
Flag Ceremony
Pag-uulat
Pagsayaw
Pagtula

G. Ronnie G. Miclat
Grade 6

Ang pangalawang araw ng pinaka-espesyal at pinakahihintay na programa ay nangyari sa entablado ng KES. Ito ay nag-umpisa sa panalangin na pinangunahan ni Zairell Joy Policarpio. Ang panalangin ay naka-ayon din sa okasyon.
Panginoon,
Kami po ay nagpapasalamat
para sa araw na ito
maraming pong salamat
sa pagbibigay po Ninyo ng katalinuhan
Para matutunan naming mahalin
Ang sariling Wikang Filipino
Maituturi naming isang biyaya
ang pagkakaroon ng sariling wika
upang mabilis at lubos naming maunawaan
ang mga bagay-bagay sa mundo
ngayong araw na ito, Panginoon,
kami’y magbubunyi ng Buwan ng Wika
ito na po ang pinakahuling araw
para ipagdiwang ang nasabing programa
kami po ay umaasang magiging matagumpay ito
at tuluyan ng maisasabuhay ng bawat isa
 ang paksang diwa ng okasyon
at ang kahalagahan nito
kami po ay humihingi ng gabay
mula sa Iyo
Muli, maraming salamat po
at dinadalngin namin ito sa ngalan
ng Ama, at ng anak at Espiritu Santo
AMEN

Ito ay sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit ng Filipinas na ikinumpas naman ni G. Romar A. Pabustan kasama narin ang “Bayung Capas”. Nagbigay naman si G. Ronnie G. Miclat ng Paglinang sa Kaisipan.  Ang pagtatalakay ay umikot sa dalawang paksang diwa:

·         “ Ang Filipino ay Wikang Panlahat,
Ilaw at Lakas,
Sa Tuwid na Landas” (2011)

·         “Tatag ng Wikang Filipino,
Lakas ng Pagka-Pilipino” (2012)

Isang mag-aaral sa Ikalawang Baitang na si Froilan Reyes ay nagbigay ng inspirasyon sa pamamagitan naman ng maikling tula na may titulong “ Ang Wikang Filipino” at ng isang mag-aral naman mula sa ikatlong Baitang na si Aira Mae P. Diaz ay nagbigay naman simpleng tula ngunit napakahalaga sa kanila dahil ito ang kaunaunahan nilang tula na ginawa sa pamamagitan ng kolaborasyon (collaboration) ng kanyang mga kaklase at gabay ng kanilang guro na nag-ayos at pumili ng kanilang mungkahing linya.






Ang Mga Kaklase ko
(Likha ng mga grade 3 sa pamamagitan ng collaboration)

Maingay sila pero mabait,
May payat,mataba, at maliit;
May pango—
May walang bango—
Meron din namang singkit.
Ang iba ay mahilig mag-aral;
Ang iba ay parang nagpapasyal lamang,
Ang mga homework nila ay nawawala
‘pag ang guro ay nandyan na
Ngunit sa kanilang ugali
Ay hindi maikukubli
Ang mga kaklase ko ay parang mga bato—
Matibay—
Mahusay—
‘pag sila ay sama-samang may tinatamo.
  

Sumunod naman ang mga mag-aaral ng Ika-apat na baitang na sina Ronnie Domingo, Justin Bueno, Rhey Vhine Gueco, Relly N. Celiz at Charles Adrian Salak. Nag-handog naman sila ng kanta na may pamagat na “Ako’y Isang Pinoy” ni Florante De Leon.
Samantalang ang iba pang mga piling mag-aaral ng ikatlong baitang at ika-apat na baitang ay nag-alay ng isang acronym ng BUWAN NG WIKA upang maipakita o maipaunawa angkahalagahan ng sariling wika at ang pagpapa-tatag nito.
Ang mga piling mag-aaral naman ng ikalimang baitang at ika-Anim na baitang ay naghandog naman sila ng isang sayaw.
Ang Programa ay pinangunahan ng lahat ng guro sa KES. Nagsimula ito ng alas-8 ng umaga at natapos ito ng tanghali

romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan

 happyromar











Sunday, March 24, 2013

MGA GURO: Kailangan Ba Natin Sila?

 
KALIMUTAN ANG EDUKASYON. Kalimutan muna natin ang paghangad sa mailap na magandang edukasyon gamit ang papalit-palit na kurso o kurikulum na gawa ng lupon ng mga magagaling na tagapag-iwi . Pag-usapan muna natin ang ugat o ang pinagmumulan o tagapag-gawa ng kurikulo… Ang pagsasakripisyo at ang ginagawang pagbabalikat nito… Ang ‘pinakamahalagang propesyon’ na ginagawa ng iyong guro… Ang pagtuturo.
Mula sa mababang suweldo hanggang sa mabababang uri ng silid-aralan; mula sa sobrang daming isinasaayos na mga papeles hanggang sa napakaraming estudyante sa isang klase; mula sa kawalang-respeto o paggalang hanggang sa kawalang-interes ng mga magulang (o galit na mga magulang). Papaano hinaharap ng ating  mga guro ang ganitong suliranin? Ano pa ba kaya ang tingin ng mga mismong guro sa kanilang propesyon? Ating alamin.
Upang lubos natin maunawaan, nagtanong ako ng mga simpleng katanungan sa isang guro na mula sa pampublikong paaralan at isang guro naman na mula sa pampribadong paaralan tungkol sa kanilang propesyon.

             *            *             *

Tanong: Bakit gusto po ninyo ang pagtuturo sa kabila ng mga araw-araw na suliraning kinahaharap ninyo?
Public school teacher: “Sa totoo lang, simpleng tanong lang yan, pero mahirap itong sagutin ng isang guro na kagaya ko. Pero, isa lang ang pinakadahilan kung bakit, at iyon ay gusto kong gayahin ang naging guro ko noong nag-aaral pa ako… Naalala ko pa noong nahihirapan ako sa matematika, siya mismo ang tumulong sa akin, talagang binigyan niya ako ng ekstrang pansin. Batid kong gusto niya talagang akong magtagumpay… nagmalasakit siya… kaya ipinangako ko sa sarili na gagawin ko rin ito sa aking mag-aaral.”
Private school teacher: “ Kung minsan nga naiisip ko, ‘hanggang kailan kaya ang ganitong istilo ng buhay?’ Masakit sa aking kalooban pero kapag tinitignan ko ang aking mga  anak [ mga estudyante] Napapaisip rin ako na,’kailangan nila ako, itutuloy ko pa rin ito’… Masaya akong gumagawang kasama ng mga bata.Yun na lang ang gumaganyak sa akin”

Tanong: Ano po para sa inyo ang isang guro/ mga guro?
Public school teacher: “Ang isang guro ay dapat ituring o pakitunguhan na kagaya ng mga ibang propesyunal at hindi tulad ng isang dakilang katulong o yaya lamang. Sapagkat sila ay may mabigat na responsibilidad o pinapasan. Kung wala sila, ano na kaya ang mangyayari sa atin? Sana ay pagnilayin ng lahat ito”
Private school teacher: “Sa kabila ng napakaraming inaasahan sa mga guro, subalit kadalasan ay kakaunting papuri ang buhat sa publiko ang tinatanggap ng mga dedikadong guro sa ating mga paaralan para sa kanilang mga pagsisikap—para pa rin sa akin ang mga guro ang nagpapaikot sa sandaigdigan. Sila ang gumagawa ng pagbabago sa buhay ng isang tao.Sila ang pinakamabuting impluwensya sa mga kabataan.”

Tanong: Ano po ang iyong nagugustuhan sa loob ng silid-aralan? Meron pa po ba?
Public school teacher: “ Oo naman.Siyempre hindi maiiwasan ang magalit at mapagod, pero ang gusto ko sa klase ay ang pagiging mapamangha ng mga estudyante sa pinag-aaralan nila – dahil inosente sila, bago pa lang sa kanila ang ganung kaalaman, kagaya ng pag-eekperimento sa laboratoryo o kaya naman ng pagpapaliwang  ng simple sa  isang komplikadong situasyon… Natutuwa rin ako sa kanilang mga personalidad kagaya ng mapagbiro, malambing, alerto,makulit o mapagtanong.
Private school teacher: “ Ang pinakamatinding kagalakan sa klase ay ang pagkatanto ko na nagtagumpay ako sa pagpukaw sa interes ng mga mag-aaral sa isang paksa. Halimbawa, pagkatapos kong maipaliwanag ang isang punto sa kasaysayan, ganito ang ilang estudyante: “ Sige pa po. Magkuweto pa kayo!” habang ang kanilang mga mata ay nagniningning sapagkat nauunawaan nila ang isang paksa.
Ang iba naman ay kusang napaplakpak dahil nasasagot ko at napapatunayan ko ang mga mapanuring tanong nila, katulad ng mga: “Sir, kung hindi si Magellan ang una, sino po talaga ang unang nakaikot sa buong mundo?” Saan po pala matatagpuan ang DNA at Atom?” “Pwede po bang maglakbay sa outer space ang scuba diver, diba may oxygen naman s’ya?” o kaya naman “ Sir ano po ang pagkakaiba ng cartoon, caricature at animation?” “Sir bakit sa perya tinawag siyang Ferris Wheel?” at marami pa….Talagang nagagalak ako sa kanilang pagiging mapanuri.

(Mga batang mag-aaral sa pampublikong paaralan)


Tanong: Meron po ba kayong mensahe sa lahat ng mga estudyante po ninyo? Ano po iyon?
Public school teacher: “ Gawin n’yo lang ang mga pinapagawa  namin [ mga guro] sa inyo. Huwag kayong mag-alala dahil kagaya ng inyong mga tunay na magulang,hangad naming ang kabutihan para sa inyo. At walang titser na gustong ipahamak ang kaniyang mga estudyante… Mag-aral kayong mabuti”
Private school teacher : “ Sana matupad ang inyong mga pangarap dahil bilang isang guro, kapag ang mga mag-aaral ay nagsipagtapos at natuppad ang kanilang mithiin sa buhay… Siguradong maligaya kayo, pero ang mga pinakamaligayang tao sa balat ng lupa ay kaming mga guro ninyo…
(patawang dinagdag niya) …Kaya ‘wag nyo kaming suwayin at imbes ay alagaan nyo kami!”

             *            *             *

         Ang dalawang guro na aking nakapanayam ay sinadyang itago o ikubli ang kanilang pangalan upang maiwasan ang mga negatibong pang-huhusga sa kanila. Lahat ng mga katanungan ay buong puso nilang sinagutan at pawang katotohanan ang isinaad nila tungkol sa estado ng mga guro, mula sa pampublikong paaralan man o pampribadong paaralan man…

Sila nga ay mga dakila, na masasabi ko, hindi kayang gawin ng mga ibang propesyonal ang kanilang ginagawa.Sila ay kagalang-galang na tao dahil katulong at tulay natin sila sa pagtupad ng ating pangarap… Uulitin ko “PAGTUPAD NG ATING PANGARAP” Sila ay kailangan nating irespeto dahil naging guro rin si Confucius, si Aristotle,o si Dr, Jose Rizal. At natatandahan mo ba na naging guro rin si Hesu Kristo?

Kukunin ko ang pagkakataong ito at ang atensyon ng lahat ng mga estudyante na nag-aaral (o mga nagsipagtapos na), nais ko sanang itanong sa inyo: “Pinasalamatan mo na ba ang iyong mga guro? Kung hindi, kailan pa?”

Ngayon nauunawaan na natin nang lubos ang sitwasyon ng ating mga giliw na guro at ang kanilang tunay na pagmamahal sa kanilang estudyante, ito ay nagpapahalata na tayo ay may utang na loob sa kanila. Huwag sanang alisin iyon sa mga puso natin. At nais  ko rin iwan ang isa pang tanong sa lahat-lahat, kasama na ang nagbabasa nito ngayon:

MGA GURO. Kailangan ba natin sila?



 -- ROMAR A. PABUSTAN, (2005)
romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar romar pabustan romar pabustan romar pabustan romar pabustan


(happyromar@gmail.com)